Ang Panginoon sa Siyon Ay naghahari na, Buong lupa ay magsaya't Lumapit sa Kanya, At do'y aalingawngaw Kapurihan Niya Sa Kanya ang mga hari L'walhati ang dala.
Ang Panginoon sa Siyon Ay naghaharing ganap, Lalim ng lupa at dagat Siya ang may hawak. Ngalan N'ya'y parangalan, Bandila'y itaas, Hanggang malalayong pulo Sa Kanya'y magligtas.
Ang Panginoon sa Siyon Naghahari ngayon; Pasukin ang Kanyang templo't Galak na magtipon; Sa lilim ng bandila N'ya Lahat ay paampon, Sa Hari ng lupa't langit, Igawad ang putong.